Sunday, July 19, 2009

How confident she is…


I enjoyed reading this article from Ricky Lo, our very own talented celebrity news reporter. I bet he had fun interviewing the mother of our very own Manny Pacquiao. Actually, I watched Aling Dionisia when she danced on Lucy’s TV 5 show Shall We Dance? At her age, she can dance although not really graceful and I was amazed because she can even do lifting. Well, I can’t tell that she’s really a good dancer but she has a potential to become a good dancer. So, here’s the interview of Ricky Lo to Aling Dionisia.

Conversations is retelling the free-flowing exchange as is, in Visayan-Tagalog that is.

-->

Hindi na daw Aling Dionisia ang tawag sa’yo ngayon.

“Hindi na. Mommy Dionisia na. Ang spelling ng pangalan ko, panay ‘i,’ walang ‘e’. D-I-O-N-I-S-I-A. Dionisia.”

Aware ka ba na celebrity ka na ngayon?

“Siempre. Hindi naman mapigilan ‘yan, eh. Ako ang nagbigay buhay sa anak kong si Manny kaya kung gaano siya kasikat ganoon din ako.”

Hindi ka ba naba-bother na maraming nakakakilala sa’yo kapag lumalabas ka?

“Okay lang kapag nasa mall ako at maraming nagha-’Hi!’ sa akin at kumakaway. Mga fans ko sila, eh.”

Talaga bang mahilig na kayong sumayaw from way back?

“Oo naman. Basta type mo ang sayaw, madali kang matuto at maturuan.”

Anu-anong dance ang type mo?

“Tango, Cha-Cha, Boogie at Swing. Ang unang tinuro sa akin ng mga D.I. ay Swing.”

Linawin natin, Mommy Dionisia, ha. Nanliligaw daw ba sa’yo ang D.I. mo?

“A, hindi totoo. ‘Yung humahawak sa akin ngayon, bagong D.I. ko. ‘Yung dati, nag-abroad daw. Pinalitan ko dahil hindi niya kaya ang mga lifting. Maliit lang kasi siya, eh.”

Bakit, mabigat ka ba?

“Hindi. Ang weight ko 45 kilos lang. Matagal kami hindi nakasayaw. Sabi niya, ‘Mommy, bumigat ka’.”
What’s your height ba?

“Ay, nakalimutan ko. Nandoon sa cedula ko.”

Paano mo mini-maintain ang figure mo?

“Naga-gym ako sa GenSan, doon sa mall.”

Ano pang ibang workout mo? Hindi ba kayo nagba-boxing ni Manny?

“Hindi. Dancing lang talaga ang exercise ko. Tinuruan ko nga si Manny pero hindi siya marunong. Malambot man ang katawan niya. Sa bahay, naga-workout din ako habang nanonood ng aerobic na video. Anim na posisyon ‘yon. Ginagaya ko.”

A, okay. Sa security mo naman. Balita ko marami ka raw bodyguard dahil may mga nagha-harrass sa’yo.

“Kasi maraming intriga. Sobra! Sabi nila nagsha-shopping ako ng P1 million nga pera.
Sobra naman na balita!”

Peso o dollar?

“Peso. Bago ako nagpunta sa US, nagbili ako ng skinny jeans nga itim. One thousand pesos lang ‘yon. At saka mga blouse. Hindi naman mahal. Sabi ko, itigil na ang mga ganyang balita dahil nasisira ang pagkatao ko. Pagkatapos, may threat ako na kikidnapin. Matagal na akong may bodyguard. Dati dalawa. Ngayong may threat ako, apat na.”

Balita ko tatlo daw ang cell phone n’yo.

“A, ang CP ko? Oo, tatlo. Iba-iba ang number. Dala ko palagi lahat. Isa Globe, isa Smart at isa TM.”

Noong 60th “debut” mo, kung ilang beses ka nagpalit ng gown.

“Lima ang damit ko. Dalawang gown at tatlo ang pang-dancing. Para daw ako nag-debut na 18 years old. ‘Yung sa akin, debut na 60! Hahahaha!”

Spoiled na spoiled ka ni Manny, ano?

“Hindi naman. Nang nakita niya ‘yung gown ko, nagulat siya. Sabi niya, ‘Mang, ‘yan ba ang isuot mo sa birthday mo?’ Sabi ko, ‘Oo.’ Sabi niya, ‘Ang ganda!’ Binigyan niya ako ng pera, malaki-laki.”

Ganoon? Magkano?

“Sobra 25 dollars.”

Ang liit!

“Twenty-five thousand dollars ‘yon. Sabi niya, ‘Kayo na ang magbili ng gusto mo, ‘Mang’.”

Naubos mo ‘yon sa shopping? Almost one million pesos ‘yon.

“Bumili ako ng mga damit, mga bag.”

Ilan na ba ang mga bag mo ngayon?

“Marami na. May mga Louis Vuitton.”

Mga gown ilan?

“Marami na rin. Dalawa galing sa US. ‘Yung iba dito lang sa Pilipinas pinagawa.”

Sa dami na rin daw ng shoes mo, talo mo na daw si Imelda.

“A, hindi naman! Simple naman ako na pagka-nanay.”

Uy, magmo-model ka daw kay Dr. Vicki Belo.

“Hindi ako. ‘Yung manugang kong si Jinkee.”

Hindi mo pa ba kailangan magpa-lipo?

“Hindi pa. Marunong naman ako mag-alaga sa katawan ko. Naga-exercise ako; naga-gym ako.”

May commercial ka na daw ba?

“Mayroon. Pero hindi pa naga-labas. Sa July 19, ilalabas na kaya mag-iikot kami sa lahat ng mga estasyon sa radyo at TV.”

Lumalabas ka sa TV at ngayon sa commercial. Sa pelikula ba lalabas ka na rin?

“Ayoko, baka mapagod ako. Okay lang sa commercial, hindi matagal.”

Sa sitcom ayaw mo?

“Ayaw ko rin.”

Uy, saan pala ‘yung Rolex na birthday gift sa’yo ni Manny? Bakit hindi mo suot?

“A, tinago ko. Muntik kasi natanggal kanina n’ung naga-praktis kami ng dancing. Baka malaglag uli, masira. Sayang. Mahal pa naman. 300,000 ‘yan.”

Dollars?

“Hindi. Pesos.”

‘Yung car na binigay sa’yo ni Manny, ginagamit mo ba?

“Oo naman.”

Kumusta ‘yung house?

“Si Manny ang nagpagawa n’un. May darating pa; ipapagawa din ni Manny. Doon sa GenSan. Malaki. ‘Yung first na bahay namin, medyo maliit. Two hundred square meters lang.”

Ilang square meters ‘yung tatayuan ng bagong bahay?

“Six hundred square meters.”
Kayo ba ni Jinkee okay na? May gap daw kayo noon?

“Anong gap?”

‘Yung hindi okay sa isa’t-isa.

“A, wala. Okay kami. Noong bago kasi silang kasal ni Manny, mahiyain siya. Ako, nanay, marunong magdala ng mga anak; marunong ako magdala sa kay Jinkee. Hindi na siya mahiyain ngayon. Si Jinkee nga ang nag-asikaso sa birthday ko; sila-sila.”
Sa mga pagbabago sa buhay mo, ano ang pinaka-gusto mo?

“Siempre, nagustuhan ko ang pagda-dance ko, lalo na mga fans ko. Maraming naga-hanga sa akin.”

Mayroon ka bang Fans Day?

“Wala pa. Pero proud sila sa akin. Alam ko dahil marami ang naga-greet sa akin kapag nasa mall ako.”

Kung gagawing pelikula ang buhay mo, sino ang gusto mong gumanap ng Mommy Dionisia?

“Ang gusto ni Manny, ako mismo.”

Mayroon na kayo lahat. Ano pa ba ang mahihiling mo?

“Ang hinihiling ko lang sa Panginoon, sana bigyan ako ng mahaba pang buhay para makasama ko pa ang pamilya ko, mga friends ko, mga fans ko.”

Ano ba ang tunay na Mommy Dionisia? Paki-describe nga po.

“Mabait ako. Simpleng tao lang ako. Magaling magbigay ng payo sa mga anak. Magaling magpalaki sa mga anak. ‘Yan ako.”

(E-mail reactions at rickylo@philstar.net.ph or at entphilstar@yahoo.com)
-->